The Paulo Duterte Insignia-Tattoo incident
Bakit? Masama ang magkaroon ng tattoo? Naiintindihan ba natin ang kahalagahan ng tattoo at nanggagalaiti tayo ngayon sa social media? Baka masyado lang tayong over-reactive sa usapan sa Senado kahapon, September 7, 2017. Ano ngayon kung may tattoo si Paulo? Sa totoo lang, hindi pa tayo nabubuhay, ginagawa na ang pagta-tattoo sa ibat-ibang panig ng mundo.
Mas matanda pa nga siguro kay Kristo ang tradisyon ng pagta-tattoo! Sa website ng Tattoo You, sinabi nitong as early as 12,000 years B.C., uso na ang kultura ng pagta-tattoo.
Ang salitang tattoo ay galing sa salitang Tahitian na "tatu" na ang ibig sabihin ay lagyan ng marka (to mark something). Ang pagma-marka, tulad ng paglalagay ng tattoo ay naka-ugat na sa kultura at paniniwala ng isang komunidad o ng isang grupo ng mga tao, depende sa panahon at depende sa layunin kung bakit tayo nagpapa-tattoo.
Halimbawa sa bansang Borneo, nagpapa-tattoo ang mga kababaihan para ipakita kung ano ang kanilang skills sa gawaing bahay.
Kung ang babae sa kanila ay mahusay sa pagluluto, malamang, tattoo ng kawali o anumang gamit sa kusina ang ilalagay sa kanya. Kung ang babae ay magaling sa pag-aayos ng garden, malamang tattoo ng halaman ang ilalagay. Kung ang isang babae ay mandrigma, malamang, tattoo ng tabak o gamit pang-digmaan ang nasa kamay ng babae.
Makikita sa baba ang tattoo ni Mayor Sarah Duterte. Kung siya ay nasa unang panahon sa Borneo, ano kaya ang sinasabi ng kanyang tattoo sa kanyang skills? Pwede tayong manghula.
Halimbawa, pwede nating sabihin na magaling siyang mag-alaga ng kabayo? O magaling siyang mag-alaga ng tigre o magpa-amo ng aso kaya? O kaya'y magaling siyang maging beterenaryo.
Photo credits to Sarah Duterte-Carpio FB post |
Sinasabi rin na ang tattoo ay pagpapahayag ng ispiritwal na paniniwala ng isang grupo ng komunidad o mga kaugalian dito. Sa Pilipinas, may ilang mga katutubo na nagpapalagay ng tattoo sa daliri at pulso para magpa-alis ng masasamang espiritu at karamdamam. Tanong: meron kayang isang Senador na may tattoo? Kailangan kayang magpa-alis ng masamang espiritu sa Senado?
Nalalaman din natin kung sa anong tribo o grupo tayo nabibilang dahil sa tattoo. Halimbawa, sa picture sa baba, makikita natin ang disenyo ng tattoo depende sa kung anong group ka nabibilang.
Ung unang apat na litrato ng kababaihan sa ibaba ay nakatira sa Cordillera. Mapapansin ang pagkakatulad ng mga disenyo ng tattoo sa kanilang mga balikat at kamay.
Yung huling dalawang litrato naman sa ibaba pa rin ay nagpapakita ng mga tattoo sa binti ng mga babaeng Banwa-on, na makikita naman sa bandang Mindanao. (Halaw mula sa http://www.onetribetattoo.com/history/filipino-tattoos.php)
Ung unang apat na litrato ng kababaihan sa ibaba ay nakatira sa Cordillera. Mapapansin ang pagkakatulad ng mga disenyo ng tattoo sa kanilang mga balikat at kamay.
Yung huling dalawang litrato naman sa ibaba pa rin ay nagpapakita ng mga tattoo sa binti ng mga babaeng Banwa-on, na makikita naman sa bandang Mindanao. (Halaw mula sa http://www.onetribetattoo.com/history/filipino-tattoos.php)
Pics taken from onetribetattoo.com, credits of course |
Balikwas nang kaunti sa Tsina.
Punta tayo bandang China. Yung sining ng pagta-tattoo naman sa China ay sinasabing nagsimula ilang libong taon na ang nakakaraan. (Ref.: chinadaily.com.cn). Ang tawag sa sining ng pagtata-tattoo sa China ay Ci Shen (o Wen Shen), na ang ibig sabihin ay "pagtusok sa katawan". Iba naman ang kahulugan ng pagtusok sa iba pang bahagi ng katawan na bihasa naman si Mocha.
Isa sa pinakasikat na pagta-tattoo sa China ay si General Yueh Fei ng South Song Dynasty. Sinasabi na habang nasa digmaan sila, isa sa mga opisyal ni Yueh Fei ang nagtaksil at pumanig sa kalaban.
Bilang protesta, napilitang umuwi si General Yueh Fei sa kanilang bayan. Ikinagalit ito nang husto ng kanyang nanay...., oo mama's boy siguro si Gen Fei. Pinagalitan nito ang heneral at pinaalalahanan na huwag niyang tatalikuran ang kanyang tungkulin sa bayan. Bilang parusa, sapilitang nilagyan ng tattoo si Gen. Fei ng kanyang ina ng apat na letrang Tsino. Gamit ang karayom, nilagyan si Gen Fei ng chinese character na ang ibig sabihin ay "paglingkuran ang bayan ng buong katapatan...."
Credits to alchetron.com |
Sa moddernong China, laging naka-kabit ang tattoo sa kriminalidad o pagiging miyembro ng isang orgnized crime. Dito nga pumutok kamakailan ang isyu ng tattoo ni Paulo Duterte na idinadawit ni Senator Trillanes na kasama sa Chinese Triad.
sinaunang triad sa kultuang Tsino. litrato hindi sa akin |
Historically, nagsimula ang Chinese Triad noong 17th century na kung tawagin ay Hung Mun, Tien Tei Wei (Heaven and Earth Society). Itinatag ito noon para patalsikin ang Ch'ing dynasty para maibalik ang Ming dynasty. Ibig sabihin, ang pinanggalingang prinsipyo pala ng Chinese triad ay tungkol sa nasyonalismo o kasarinlan (kung may konsepto na sila noon ng bansa).
Modern triad. Pic not mine. credit to owner |
Mas lalong nabiyak ang naturang triad sa panahon ng Chinese Communist Party noong 1949, kaya napilitang tumakas ang natitia pang kasapi ng triad sa Hongkong, Macau, Taiwan at ilang mga "chinatowns" sa ibang bansa.
Balik tayo sa tattoo .....at sa Triad
Kung papansinin, lahat ng imahe ng mga diumano'y kasapi ng triad ay may mga tattoo o insignia ng isang dragon. Ibig sabihin, bukod sa numeric code na ginagamit ng triad para sa posisyon nila sa grupo (hal. "489" para sa leader), pwede ring sabihin na ang uri ng dragon o ang istilo sa pagkakaguhit nito ay may pakahulugan marahil sa posisyon niya sa triad, o kung saang lugar siya nakabase. Kumbaga, may istrukturang sinusunod ang mga mokong na ito, at base sa istruktura siguro, yun din ang sinasabing code ng kanilang tattoo sa katawan.
Segue tayo sa tattoo ni Paulo .....at sa Triad
Hindi masamang magpa-tattoo. Well, personal ko lang naman na opinyon ito. Hindi masamang magpa-tattoo ang kahit na sino. Sa katunayan, maraming magagaling na tao sa kasaysayan ng mundo ang natsi-tsismis na may tattoo. Isa-isahin natin.
Winston Churchill (England)
May tattoo sa kamao.
King Harold II (England)
Matapos na matsugi ang England sa Battle of Hastings (1066), nakilala ang kanyang bangkay dahil sa tattoo niya sa kanyang dibdib na pangalan ng kanyang asawang si Edith.
Tomas Edison
Kahit si Tomas Edison, ang imbentor ng bumbilya ay may tattoo ng quincunx (o 5 tuldok) sa kanyang kamao.
Hindi masama ang pagpapa-tattoo, uulit-ulitin ko yan. Bawat isa ay kailangan ng identity, ng sense of belongingness ika nga.
Hindi masama na makakakita tayo ng isang public servant na may tattoo, nakikita man iyan o hindi, nakalagay man iyan sa likod, sa dibdib, sa kamao o kahit pa sa bayag!
Nagiging masama ang konteksto ng tattoo depende kung kanino ito inilagay at kung ano ang kanyang gawain. Balikan natin ang triad, halimbawa.
Natural na masama ang tingin natin sa mga miyembro ng Triad dahil sa transnational nilang mga ilegal na gawain. Bakit ba naman kasi hindi pa pinakita ni kuya Paulo ang tattoo niya?
Masama ang tattoo kung ang sinisimbolo nito ay mga panuntunang labag sa prinsipyo ng pagiging tunay na tao, hindi nandadaya, hindi nananamantala. Hindi negosyante at hindi kumprador ng illegal na droga, na transnational ang peg. Hindi ganoon si Kuya Paulo.
Masama ang tattoo kapag iniuugnay ka nito sa isang orgnisasyon na may mga illigal na gawain, halimbawa drugs at smuggling. Hindi ganoon si Kuya Paulo.
Masama ang tattoo kapag pinipilit itong ipakita sa madla o sa Senate kahit ayaw ng may-ari ng tattoo na ipakita ito. "NO WAY"!
Nagiging masama ang tattoo kapag masama din ang may suot nito. Kapag kinakasangkapan ng may-ari ng tattoo ang kanyang posisyon sa gobyerno para makapanlamang sa ibang tao. Para makapag-operate ng matiwasay sa mga gawain niyang maaaring hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Hindi ganoon si Kuya Paulo.
Masama ang tattoo dahil masama ang pag-iisip natin. Masama ang tattoo dahil wala na tayong kakayahan na mag-isip ng matino. Masama ang tattoo dahil matagal na tayong nabulagan sa mga sinasabi ng sinasamba nating pinuno, na kahit magmura at pumatay nang paulit-ulit at ipinagmamalaki pa ito, doon sumasama ang tattoo. Hindi ganoon si Kuya Paulo.
Uulitin ko mga bossing, SUMASAMA ANG KAHULUGAN AT KABULUHAN NG TATTOO DAHIL SA MGA MAY SUOT NITO. Si Kuya Paulo.......? Tattoo ng ina mo!
Poscript: Mga iniisip kong disenyo ng tattoo ni Paulo. Pumili kayo.
--> -->
No comments:
Post a Comment