Friday, August 18, 2017

Isang Panawagan at Panata sa mga Ka DDS

(At ilan pang serye ng "Halusinasyon")

Bes, alam mo bes, antagal ko nang kinikimkim to. bakit ganun sila bes? Bakit hindi nila pagbigyan muna si Tatay? Ang hard nila talaga! Oo tama, siya ang tinutukoy ko, si Tatay Digong, na minsan sa aking buhay ay hinangaan ko at minahal. Siya nga, at siya pa rin ang susubukan kong isulat.

Nakausap ko na mga mahal ko sa buhay. Nagpa-alam na ako.Sa gagawin kong ito, malamang babaligtad ang mundo natin sa mga komento at argumento at marahil, mga kabobohang pwede iaanak ng sulatin na ito. Pero ika nga, tulad ng marami, Bes, masakit talaga lagi ang perstaym. Pero what the heck, walang basagan ng trip, isang batak lang to, promis, pare-parehas na tayong maha-high! Tanong mo pa kay Papa Paulo!

Sige, simulan natin sa araw kung paanong bumida si Tatay Digong sa kampanyahan, base sa pulso ng mga Pilipino bes. (ung link sa baba, CNN article yan bes, baka fakenews site, wag agad maniwala mga ka-DDS)




Oo bes, sa limang kandidato sa pagka-pangulo, nangunguna noon si Tatay Digong, bes. Pero dahil sa CNN ito, di agad tayo naniwala. Mas maniwala tayo sa facebook, kasi sabi ng Facebook, si Tatay Digong ang nangunguna sa mga usapan sa post, sa messenger at tweets. Imagine, noong November 20, 2015 to April 20, 2016, 17.9 million na katao sa buong mundo ang nag-uusap tungkol sa Philippine election. Iihihi, nakasama din siguro dyan bes sa mga naniwala kay Tatay Digong ung mga na tokhang?


Dapat lang naman! kasi bad sila, di ba bes. Bah, we have to kip our promis, basta adik, ligpit! Kahiya naman kay Bong Go!


Samantala bes, may 176M naman ang nag-usap, nag-like at nagbigay ng iba pang reaksiyon bes. Imagine, bes, 176M sabi ng fake news site na CNN! Ilan kaya bes ang nasunugan ng sinaing, or natuyuan ng kalan at nasirang relasyon dahil sa kakapindot ng LIKE AT SHARE sa FB para kay Tatay? Ilan kaya ang kumita? Wag ka bes, sa 176M, 68% ng usapan ay pabor kay Tatay Digong, oh ano ka pa! Ibig sabihin, kung may isang buong tinapay, lampas ng kalahati nung tinapay ay para kay Tatay Digong, na kulang na lang ay isungalngal sa bunganga ng kapit-bahay mong maka-Roxas, maka Poe, maka-Binay (only Binay2x chorus) bes.

Pero Wag lang natin bes ipagsabi na nung panahon na yan, dun din pumutok yung joke ni Tatay Digong tungkol sa pag-rape sa isang Australian missionary na si Jacqueline Hamil. Joke lang naman un bes di ba. Balat sibuyas sila masyado.

Kahit ako bes, kahit biruin ung asawa ko, o kapatid kong babae, o tita ko, o nanay ko, ok lang naman un, joke lang un di ba ng prisidinti? May karapatan siya dun.

Haaaaay, parang di na tuloy buo ang araw ko pag walang joke sa rape.
Kasi nga sibilisado tayo, at nid ng women sector to make intindi and understand all of these social nuances, my gosh bes, 20th century na tayo. Eto bes, isampal natin sa kanila fake news na to...... calling Asec and Papa Martin! Rape Jokes, bes

Alam ni tatay Digong ang ginagawa niya. Masyado lang silang nana! Alam niya kung saan makikiliti ang tao. Tawag dun audience impact, mga impakto!. Saka yung link sa taas, fake news yan bes, dapat mas maniwala tayo sa mga blogs ng Thinking Pinoy at ni Mocha, uhhhhmm, aaahhhh Mocha! Yan ang journalism, the Asec style.

JOURNALISM ETHICS 101? journalism nyo mukha nyo. Mga bayaran. Bes tingnan mo dito si Asec bes, daliiiiii! Hihihihihi.

Cencia bes, nawala ako galing lang CR. Nasaan ba pamunas ko dito?

Ok bes, where were we?. Alam mo bang sumaya ako noong araw ng May 24, 2015, kasi di ba Bes, nag promis si Tatay Digong na papatay siya ng 100,000 na criminals at itatapon niya ung katawan nila sa Manila Bay?

Halos maihi ako nun sa salawal sa excitement! Biruin mo, masusunod na ung rason kung bakit natin binoto si Tatay? ANG PUMATAY NG SUSPECTED DRUG USERS!Ang saya ko kasi perstaym ko makaka kita ng nagsu-swimming na bangkay, hihihi.

Alam mo bang malapit na tayo mag quota sa datos? Libo-libong adik na rin ang pinapatay bes. Tapos sasabihin lang ng Commission on Human Rights eh EJK daw, eh nanlaban naman ung 7000 na un ah. Bahala na Dick dyanKabig tayo nang kaunti. Magaling talaga mangiliti ng imahinasyon si Tatay Digong.

Naalala mo un bes, nung April 2016, nag dyowk si Tatay na sabi niya; "Mayor daw dapat nauna......" na mang rape sa isang dayuhan dati, nung 1989 sa isang kulungan.

Hihihi, nakakakiliti talaga magsalita si Tatay Digong, haaaaay karinyoso talaga si Tatay noh.

Wish ko para kumpleto package, dapat magpatubo din siya ng balbas katulad kay Paquito Diaz at Dick Israel!


Inuulit ulit ko nga tong video eh, parang nakikiliti ako bes;


Pero alam mo bes, ung pinakamasayang araw ko eh nung i-declare na siyang panalo noong May 30, 2016, batay sa siyentipikong pag-aaral ng Congress.At dun na nga nagsimula ang lahat bes, ang pagiging pangalawang Singapore ng Pilipinas kong mahal.

Walang puwedeng umepal sa Tatay Digong ko bes, kahit ung balugang si Obama bes, di nakahirit nung binungangaaan ni Tatay Digong.No show tuloy si Nognog noong bilateral meeting nilang dalawa sa Laos. Eto un bes.

Pero bes, alam mo ba, kinabahan ako, nung lumutang si Edgar Matobato sa Senate hearing nung Sept. 15, 2016.Biruin mong pinagbintangan at idinawit si Tatay Digong sa Davao Death Squad!
Aba! Hindi kayang pumatay ng tao si Tatay Digong!

Kahit ung pag amin niya pumatay siya noong December 12, 2016 nung mayor pa siya, joke lang yun! Those people just dont know how to read between the lines! Kahit itanong nyo pa kay Ate Jessica;

Alam mo ba bes ung pinakabagong pinupukol nila kay Tatay Digong?
Natatawa ako bes, kasi, may kinalaman daw si Tatay sa droga, bes.
Alam mo yun, si Paulo daw ang nasa likod ng merkado ng droga sa bansa? Dili uy! Joke lang un ng bayarang media!








Ngayon bes, ano sa tingin mo ang gagawin natin? Magpapasama sana ako sau para ipagtanggol natin si Tatay. Kaso dili na gyud uso ang rally.
Nalilito na nga rin ako sa political spectrum ng Pinas eh.
Parang everything and everyone na could no longer differentiate ideology and oportyunisim. oooooppppsss.

Kaso ang daya mo bes, nauna ka na. Sori, wala ako nagawa para sa iyo. Ayaw kasi maniwala ng mga pulis na nagbago ka na, at di ka na bumabatak....minsan.

Na tokhang ka tuloy, di man lang ako nakapag-paalam, di man lang nagpaalam, wohowohooo (repeat 1st stanza then refrain)Ang sakit bes. Ansakit talaga.

Sana masaya ka na dyan sa puntod mo habang kinakain ng uod ang nabubulok mong katawang lupa, na sa kasalukuyan ay sumasailalim sa proseso na kung tawagin ay decomposition. Oo bes, magiging bahagi ka na ng lupa, na minsang nagluwal sau. Oo bes, bahagi ka talaga ng lupa.
Hindi ka talaga nanggaling sa puki ng nanay mo! Baog si Manang Flor! Nabuo ka lang mula sa lupa na hinugisan ng imahinasyon ko.

Sana masaya ka na dyan sa nitso mong second hand na ginamitan ng Bulldog Superglue, para di mabuksan ang pinto ng kabaong mo, kung pinto nga talaga ang tawag sa bwakanang inang yan.
Ako bes, alam mo, hindi ako masaya dito, kahit buhay pa ako at di pa nato-tokhang.



Oo aaminin ko, kahit ganon pala kalalim ang panatisismo ko sa kahit anong gawin ni Tatay, deep in my heart, I know, may isang bahagi ng pagkatao ko ang nasasaktan kapag may pinapatay na kapwa-tao; suspect man siya o biktima.

Anyway, sige na, stay put ka lang dyan. Mag soundtrip na muna ako.




No comments:

Post a Comment

This could have been the source, but no one dared to read.

Oh my, you broke the code! Congrats!

Feature Post of the Week

Totoo bang Federalism ang peg ngayon ng maraming Filipino?

Things to know about Federalism: Para naman di Tayo Eengot-engot at Basta lang "Mayma" sa Social Media (Heads-up, bi-lingual...