Pages

Sunday, September 3, 2017

Tips Kapag Kulang Pamasahe sa Jeep


Mga Praktikal na Tips Kapag may maitim tayong plano na mag-1-2-3 sa Jeep



1. Maki-usap sa driver at magdahilang naiwan mo ang wallet mo; kahit walang laman ang wallet at kahit wala ka namang office.

2. Magtulog-tulugan.

3. Magsuot ng earphone at gawin ang tip no. 2

4. Yumuko at magtxt nang 10-minuto, saka gawin ang steps 2-3

5. Maging taga-abot ng bayad at sukli ng mga kapwa pasahero. Huwag kalimutan ang magic statement na "BAYAD PO". Mas malakas ang boses, mas maganda.

6. Kapag nagtanong ang driver kung sino pa ang hindi bayad, titigan ng masama ang mga taong titingin sau, sabay gawin ang steps 2 and 3.

7. Kapag napasubo ka na sa situation no. 6, biglang kapkapin ang bulsa ng bag at ng pantalon. Mabilis dapat. Saka ka magsalita ng malakas; "oh my God, I forgot my coin purse!". Mas convincing kapag maganda ang pronounciation mo.

8. Bumaba agad pagkatapos ang step no. 7. Siguraduhing nakahinto ang dyip kapag bababa. Magmumukha ka kasing tanga kung bababa ka habang umaandar ang dyip.

9. Pumara at sumakay uli sa panibagong dyip at gawin uli ang tip 7-8 kapag mahuli kang nag 1-2-3.

10. Gawin ang tips 7-9 hanggang makarating ka sa tapat ng bahay nyo. Kapag di nagmamadali si Mamang driver, ayain magkape.

11. Kung di kayang gawin ang tip from 1-10, maglakad pauwi.

12. Kung di kayang gawin ang tips 1-11, maghanap ng bakanteng lote. Maghanap ng cardboard at sulatan ng "pusher, wag tularan". Ilagay ang cardboard sa dibdib at saka matulog ng mahimbing.

No comments:

Post a Comment