Pages

Tuesday, August 29, 2017

Uber, nagbayad na ng P190M na multa sa LTFRB



Matatandaan na na-"kanti" ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Uber dahil sa umanoy mga violations ng higanteng kumpanya dahil sa mga iligal na prankisa nito mula August 14, 2017.



Nauna nang nagsabi ang Uber na handa silang magmulta ng P10M para mapa-walang bisa ang naturang suspensiyon Bukod dito, mayroon pang karagdagang P19.9M na kabayaran sa mga partner-drivers nito na naabala ng naturang kumpanya. Ito ay base na rin sa nauna nang pahayag ng Uber na tutulungan nila ang mga driver nitong naabala dahil sa suspension.

Samantala, sa halip na mapako sa halos P30M na danyos, nagulat ang marami sa paglobo ng danyos na babayaran ng Uber sa LTFRB. Mula sa 30 milyong piso, umaabot sa halos P190M ang kailangang bayaran ng Uber kapalit ng pagpapawalang bisa sa suspension order.



Sinabi ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada na ang naturang danyos ay base sa natitirang 19 na araw ng suspension multiplied sa average na kinikita ng Uber na P10M kada araw;

(P10M kita kada araw x 19 days)

Sinabi pa ni Lizada na ang naturang computation ay base na rin sa isinumiteng datos ng Uber sa LTFRB.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos ang halos isang lingo, August 29, 2017, tuluyan nang nagbayad ang kumpanyang Uber ng halagang P190M na danyos sa LTFRB. Bahagi ang inisyatiba na ito para tuluyan nang makapag-operate ang Uber sa ating mga lansangan.


Ulat halaw mula sa:

No comments:

Post a Comment