Pages

Monday, August 28, 2017

LITANYA KAY TONIO

No automatic alt text available.
Si Tonyo (second from right), isang batch mate, 
mathematician at kaibigan. (Hindi sa akin ang 
larawan, pahintulot mula kay Mr. Harold Fadriquela.)


Isa na lang, isang beses pa
Bago mo tuluyang lisanin ang mga pinagsaluhang tuwa at luha
Baka maaari pang pag-usapan, hindi ganyang lagi kang tulala
O kayay tatawa, pagdaka’y iiyak

Ano ngayon ang kahulugan ng katinuan?
Gayong pilit mo itong tinatakasan
Wag mong sabihing nagsawa ka na
Sa hirap, sa buhay sa politika?

Hindi! Ang buhay ay hindi matematika
Na mayroong tiyak na sagot, at tiyak na husga
Kaya huwag muna, huwag muna
Marami pa tayong tatapusin, marami pa tayong makukuha

Gurlis, damit na may mantas, paa na may tibak
Isang pirasong bag na hindi mo pinakikita ang laman
Malayo masyado ang iyong nilalakbay
Ngunit saan ka pupunta, gusto naming sumama, gusto naming makiisa

Huwag muna, huwag muna
Maanong lingunin panandali
Marami kang kasama, masyado ka lang mabilis, o masyado kaming mabagal
At hindi tuloy nakita ang kagandahan ng iyong ginagawa

Ligtas ka sa kamunduhan, dahil hindi mo ito naisip
Ligtas ka sa kasakiman, dahil ayaw mong mag-ari
Ligtas ka sa kasalanan, dahil hindi naming abot ang iyong naiisip
Ngunit bakit ka nag-isa, sandal muna, sandal muna

Maaring isa pa bang pagkakataon?
Na makisabay kami sa iyong awit tuwing hatinggabi gabi
O makikain sa hapag na nilikha na iyong isip
At doon, muli nating ibalik ang realidad na sabay-sabay nating hinabi?

No comments:

Post a Comment